Ayaaaaaaaaaan. Tapos ko na gawin. Kulang na lang section. Sticker para sa mga notebook, book, etc. Spongebob ♥
Kung pwede lang ako pumili ng mga magiging kaklase at section ko eh. Hahay. Hintayin na lang natin kung ano lalabas. :)) Sssss.
Dati, sabi ko, gustung-gusto ko na pumasok. Pero ngayong 2 weeks na lang at pasukan na, ayoko na. :( Huhuhu. Time, please slow down.
Nood ulit tayo ng replay ng American Idol baka sakaling manalo pa si Jessica.
Hehe. Di makaget-over yung iba eh.
“The way na ‘di nanalo si Jessica Sanchez, masakit!” *Clodet version*
Lol. =))) Haha it’s ok kahit hindi nanalo si Jessica, siya pa rin naman yung sisikat eh. Kadalasan namang sumisikat eh yung mga runner-up. Oh tignan nyo, nasan na yung mga nakaraang champion ng American Idol? Diba bihira na lang makita? At ang mga madalas nating makita eh yung mga runner-up. Kaya ok lang :-bd Alam naman nating magaling talaga si Jessica at siya ang may ginintuang talent. Grabe talaga yung performance nila ni Jennifer Holiday! Astig! \mmm/
16 pa lang si Jessica, malayo pa mararating niya. Hehe. Pero sana talaga sila na lang ni Phillip Phillips magkatuluyan =)))) Cute nila! Bagaaay! ♥
CONGRATULATIONS JESSICA SANCHEZ & PHILLIP PHILLIPS ♥
Yung 1-2 weeks before magpasukan eh nagpapraktis ka ng gumising ng maaga…
Pero kahit anong gawin mo ganito ka pa rin kahit pasukan na.

June 7 na pasukan namin.
:OKAY: Huhu. =))) Excited na ako pero ayoko pa pumasok. Ba’t di na lang ginawang June 4 para Monday? Kesa Thursday tas Friday tas Saturday, wala na namang pasok. Well ok lang yun. Lol nangingialam ako eh noh? Principal? Principal? Lol. =)))
That mini-heart attack…
… kapag nalaglag yung cellphone mo. Talagang tumalon yung puso ko eh. Hayjusko! Wala na akong pampagawa nito! Kalalaglag lang kanina tapos yung pagkalaglag pa talaga eh extreme. (lol) Nag-sirkosirko pa bago malaglag. Yung pagkalaglag pa eh yung screen ang nakaharap. Tinignan ko agad eh buti naman walang nangyari. Weeeew!
Guitar lessons’ done!
Kung last 2 years di ko tinuloy, ngayon, natapos ko at na-achieve ko yung gusto kong ma-achieve :-bd Well, may ilang styles pa kong gustong matutunan pero ok lang :) (Wala na kasi akong pera pang-lesson x]) Gusto ko pa sanang matutunan yung fingerstyle. Pero talaga ang goal ko sa lesson eh yung plucking na na-achieve ko, bale additional na lang yung fingerstyle :) So yeah, lessons’ were worth it and fun at the same time lol. =)) Kanina parang wala lang yung last meeting kasi binalikan lang yung mga songs na inaral tas practice practice. Tas nagtagal pa dito yung teacher ko kasi nanuod pa ng American Idol. Haha pero ok lang naman yun. =))) Mamimiss ko yung mga awesomazing na gamit ng teacher ko :)) The best talaga yung tumbler na lens eh, nakakapeke talaga. =))) Kflyyy~ Baka next time maglesson ulit ako. Baka lang naman, titingnan kung may budget. :))
Lahat tayo may kilalang JOHN MICHAEL, nanJOHN lang kapag MICHAELangan.
May 6 - 7, 2011
Friday, umuwi si Daddy galing Cavite, mga 5:30 ata sila nakauwi ni Mommy (sinundo nya galing office) After magbihis, ayun kumain siya (Adobo) tapos nagpahinga, nuod tv, then pinagawa niya ko ng calling card niya. Edi tinuro niya sa ‘kin kung ano yung mga ipaglalagay ko dun tsaka kung anong design. Mga 6 or 7 natapos ko ng gawin, print na habang naliligo si Daddy. After ma-print kinat-cut sa size ng calling card. Hindi na ‘ko kumain ng dinner nun. Tumawag si Mommy: “Ano pang ginagawa ni Daddy mo dyan?” “Nagbibihis.” “Ahh. Sige basta pag pupunta ka dito dalhin mo yung susi andyan sa may sabitan.” “Ok.” *Baba ng telepono* Nakabihis na si Daddy, aalis na. Pumunta siya sa kwarto ko tas nagbabye: “Bye *kiss sa cheeks*” Tas nagbababye din ako. Umalis na siya puntang reunion tas ako naman pumunta na sa bahay ng tito ko. Pagdating ko, “Yung susi ng bahay?” tanong ni Mommy. Nako po nakalimutan ko. “Ay. Naiwan.” Nagalit sa ‘kin si Mommy. “Yung wifi pinatay mo?”. Hindi rin. Ayan galit talaga. Buong gabi nasa bahay lang kami ng tito ko kasama yung pinsan ko. May spare key din kasi yung tito’t tita ko sa bahay, eh dala rin nila at wala sila sa bahay. Nagpunta rin ng reunion. Edi antay lang kami. Nood ng Mara Clara. :)) Yung scene sa Mara Clara pa eh yung naospital, naghihingalo yung ewan kung sino yun, nakalimutan ko na. Nakatulog tas dumating mga 12. Ginising na ‘ko uuwi na sa bahay. May tumawag sa cellphone ni Mommy, yung isa sa mga classmate ni Daddy. “Hello ito po ba asawa ni Bong?” “Oo ako nga.” Chuchuchuchuchuchu. Umiiyak na si Mommy, nasa loob na nung bahay, “Dali Japy, magbihis ka, nasa ospital si Daddy mo.” Dali-dali naman akong nagbihis, medyo tulog tulog pa ko nun kasi naalimpungatan ako. Sumakay kami sa kotse kasama yung tito’t tita ko pumuntang ospital. Dr. Jesus C. Delgado Memorial Hospital. Ako habang nasa kotse eh para kalma lang ako, kalma lang ako kasi parang ok lang ‘to hindi pa naoospital si Daddy walang mangyayari. Si mommy naman iyak ng iyak. Pagpark pa lang na pagpark nung kotse sa tapat ng emergency room, bukas agad nung pinto tas diretso sa loob nung ER. Humagulgol na agad si Mommy. Tapos nung pagpasok namin, nung nakita ko yung Daddy ko na dinidefibrillator, umiyak na ‘ko.. Ang sakit lang makita na ginaganun yung taong mahal mo kahit na alam mong may pag-asa na mabubuhay pa. Tapos pinalabas muna ako, umupo kami dun ng tita ko sa may mga upu-upuan. Nag-pray ako. Lahat ng prayer ng alam ko dinasal ko lalo na yung I Believe in God. Pray lang ako ng pray. Narinig ko ulit humagulgol si Mommy tsaka yung tito ko tas pumasok kami ulit. Nakita ko wala na yung ibang kabit kabit sa katawan niya, umiiyak ako. Tapos dito yung point na nasabi ko na wala namang nagawa yung prayer, walang kwenta. And I regret in saying that. Nadala lang ako sa mga pangyayari kaya nasabi ko yun. Prayer is very powerful indeed. Sorry po talaga kasi nasabi ko yun. Ayun iyak ako ng iyak habang yakap ko si daddy. And for the last time sabi ko kay Mommy, “M, hug tayo.” Mommy: “Family pa rin tayo kahit wala na si Daddy mo ah.” Kasi lagi kaming naghahug tapos sasabihin namin “familyyyyy” Pinatry ulit ni Mommy kung may heartbeat tapos biglang nagkaron ng line pero mahina lang. Pero ayun wala na talaga. Kinurot ko yung sarili ko, kung totoo o panaginip lang. Pero totoo eh. Wala na. Time na niya, kinuha na siya ni Lord. So ngayon, lagi kong iniisip, ano kayang buhay namin ngayon kung buhay pa si Daddy? Lagi kong sinasabi na gusto kong bumalik sa dati kong buhay, noong buhay pa siya tsaka laging naiisip si Daddy hindi mo naman maiwasan. Pero life goes on. Kahit di na namin siya kasama, alam naman nating nandyan lang siya sa tabi natin, nakabantay at nasa puso.
“Death leaves a heartache no one can heal. Love leaves a memory no one can steal.”


